1. Leadership – Importanteng malaman mo na sa kahit anong line of business
man ang ginagawa mo ngayon kailangan mong maipakita sa mga customers,
audience or prospects mo na ikaw yung tipo ng leader na nagpoprovide ng value
sa kanyang mga customers. Ang pinaka-ayaw kasi natin diba ay yung marketer na
i-coconvince ka tapos kapag bumili ka na ng kung ano man ang inooffer nila
pababayaan ka na lang. Ayaw natin ng ganun kaya as much as possible kailangan
nagtuturo at nag poprovide tayo ng mga valuable information sa mga team
member and downlines natin.

2. Online Presence – Dahil nasa internet lang lahat ng values na binibigay mo sa
mga prospects mo, mas marami ang possibleng makakita ng mga pinoprovide
values, hindi mo na kailangang magpakahirap at magpakapagod na pumunta sa
office araw-araw para makipag usap lang sa mga members ng team mo. Kung may
important information ka na gusting iparating sa kanila, gawa ka lang ng blog post
tapos share mo sa kanila ang link.

3. Information Storage – Ganito ang isipin mo, hindi ba nakakasawang paulit-ulit
mong sinasabi o dinidiscuss ang isang bagay? Eto ang maganda jan, if ever meron
ka nang bagong team members hindi mo na kailangang ulit-ulitin ang mga bagay
na nadiscuss mo na, ibigay mo lang ang link ng post na kailangan ng new member
mo, problem solved. Mas nakatipid ka pa ng oras tama ba?

4. Feedbacks – Isa sa pinaka-crucial element ng business na ginagawa mo ay ang
feedback ng mga customers mo, dahil sa feedback nila malalaman mo ang mga
areas na pwede pang i-improve. May consistent progress at yan ang magbibigay
ng pintuan para sa mga bagong ideas and strategies na pwede mong idag-dag sa
business na ginagawa mo.

5. Lead Generation – through blogging you stand-out from the rest of the crowd,
mas napapansin ka sa competition. Sa tingin mo, kanino kaya sasali si Mark? Kay
Berto na namimigay ng flyers o kay Carl na may sariling blog site? Keep the
answer for yourself.

Insider Tip: People are after the content, not the design. Focus on creating
contents that your audience can relate.